Wednesday, December 30, 2020

Barya sa Panahon ng Pandemya


Ang halaga mo ba ay ganito lamang?
Barya-barya lang ang turing ng lipunan?
Sana maalala hindi 'sang araw lang
Ng taumbaya't kabataang pinaglaban

Sa panahon ng pandemya tulad ngayon
Isa kang frontliner, sigurado na yun
Dahil dugong bayani, buhay mo'y ihahain
Yan ang halimbawa mo na dapat gayahin

Paano nga kaya masusukat sa ngayon
Ang iyong halaga sa ganitong panahon
Kanser ng lipunan, ngayon pandemya'ng kalaban
Ang halaga mo'y barya sa gutom na taumbayan


#RizalDay
#HealthWarriorOriginal
#Pandemic

No comments: