Maagang pagturo ng Christian Perfection ni Neki
Soriano, MD. MDiv.
Sermon given during the Joy Kiddy Garden Sunday of
Kamuning United Methodist Church last February 23, 2014.
Ngayon ay Joy Kiddy Garden Sunday. Ito ang araw
kung saan pinapahalagahan natin ang ministry natin sa edukasyon ng mga bata. Ngayon
din ay bahagi pa rin ng Love Month at sa Linggong ito ay ang pagmamahal sa mga
taong may karamdaman. Ang ating special focus sa linggong ito ay ang ministry
natin ay sa mga people with HIV and AIDS. Itong dalawang ito ay nagtutugma sa
ating teksto na patungkol sa pagtawag ng Panginoon sa lahat ng Kristiyano na
mahalin ang kapwa at maging perpekto gaya ng ama nating nasa langit na
perpekto.
Bago
tayo magbulay-bulay, alam ba ninyo kung bakit marami sa mga Metodista ang walang
maalalang spiritual birthday? Ako hindi ko maalala ang spiritual birthday ko?
Alam nyo bakit? Mamaya, ikukuwento ko.
Ang nais kong
pagbulay-bulayan natin ngayong umaga ay ang Christian perfection. “Be perfect as your father in
heaven is perfect.” Ngunit madalas iba ang itinuturo sa atin ng ating society. Ang
pop culture natin ay nagsasabing Nobody’s Perfect. At dahil dito, madami sa atin
ang hindi na nangangarap ng Christian perfection. OK na sa kanila ang maging
makasalanan. OK na rin sa mga Kristiyano na hindi umasam na maging perpekto
katulad ng Ama niyang nasa langit. Ok na ang hindi perpekto ang pag-ibig natin
sa sarili, sa kapwa, sa kalikasan at sa lahat ng nilalang ng Diyos. That is the
problem.
I
would like to share with you a report from the World Vision on Spiritual
Nurture of Children:
-
The moral values of Filipino children and youth are said to be
deteriorating over the past years...
o
Based on the Global Youth Tobacco
Survey (GYTS)
§
3 out of 10 youths are smokers
§
Most of them are 13 to 15 years old
o
The 2008 Philippine National Health
and Demographic Survey (NHDS) reports that:
§
3 out of 10 women ages 15-24 have
begun child bearing
§
Among women 25-49 y.o., 3% had their
first sexual intercourse by the age of 15.
o
In the United Nationals Population
Fund (UNFPA) 2011 report, there was a 70% rise of teenage pregnancy rate in
just ten years (1999 to 2009).
o
In the 2011 Family Health Survey conducted by
National Statistics Office it shows that 7.4% (320,162)
of the women aged 15-19 years old are already mothers with 10,483 mothers
started bearing a child at the age of 15 years
old.
o
AIDS
Registry in the Philippines reported 10,514 people living with HIV/AIDS (DOH,
2013). It has been noted that the root
cause of sexually transmitted infection are risky health behaviour, multiple
sex partner, same sex relationship, early sex debut, unprotected sex, even
indiscriminate drug use, and exploitative relationships.
We are not condemning people with
HIV and AIDS or those with lifestyle diseases. We though acknowledge that
deteriorating moral values are contributory to these conditions. The problem with the deteriorating moral values of
our society today begins with our inability to nurture our children towards Christian perfection... early in life.
Ano ang dapat ituro? What should we teach our children?
Dapat turuan natin ang ating mga
anak na maging ganap dahil an gating Ama sa langit ay ganap. We should teach
our Children to live a holy life, “Be perfect as your Father in heaven is perfect.”
Our readings from Leviticus and from Matthew remind us to be perfect, to be
holy. John Wesley, ang founder ng Metodista, ay tinawag at tinuro sa atin ang
Christian Perfection.
Pero ano nga ba ang Christian perfection?
Ang turo ni John Wesley sa mga
Metodista ay: dapat ang buhay ng tao ay isang paglalakbay patungo sa paggaya
kay Hesus at maging katulad niya na ganap o banal. Banal ang puso sa pagmamahal
sa kapwa, sa kalikasan, sa lipunan at sa Diyos. Ito ay ang perfect relationship
with God sa pamamagitan ng banal na puso na merong banal na pag-ibig. A state
of relationship with God wherein our heart is perfected with a perfect love for God.
Ang teksto natin ngayon ay nagpapakita
ng 2 halimbawa ng perpektong pagmamahal sa diyos. Two examples about loving God – two occasions where we are
instructed to be Perfect as God is Perfect.
Una, sa Leviticus
tinuturo kung paano natin sisimulan ang paglalakbay sa Christian perfection. Ika
niya, dapat daw mahalin natin ang ating kapwa. Sa Israel noong una kung saan
sila ay isang agrarian country, itinuturo kung paano nila ipapakita ang
pagmamahal nila sa kanilang kapwa. Eto ang ilang halimbawa:
-
Magtira
kayo ng mga aanihin ng mga pulubi para sa kanilang pamilya; huwag niyong
pupulutin yung nahulog sa ubasan.
o
Alam
ba ninyo sa panahon natin ngayon, yung pagkain natin sa restaurant ginagawang
pagpag ng mga kapatid nating walang makain? Pero kung ubos yung manok na
inorder mo sa McDo, tapos pati buto nginuya mo pa, wala nang matitira sa mga
mahihirap na umaasa sa pagpag.
-
Huwag
kayong magnanakaw o magdadaya.
o
Kapag
sinasabi yung pandaraya at pagnanakaw ay agad kung naaalala yung pork barrel
scam. Nagtataka talaga ako, malamang hindi tinuruan noong kindergarten ang mga
opisyales na ito na masama ang magnakaw kahit limang piso lang yan.
-
Huwag
magnanakaw ng sweldo at ipagpapabukas
o
Magpasweldo naman kayo ng nasa oras. Lagi
nating nadirinig yung delayed ang sweldo sa gobyerno, yung mga doctor sa Manila
wala pa daw sweldo. Eh yung mga kasambahay niyo?
-
Huwag
manlalait ng bingi o maglagay ng katitisuran ng bulag
o
Mga
kapatid, huwag niyong pag-tripan yung mga maysakit. Lalo na yung mga may HIV
and AIDS. Magbubulungan sa simbahan, “Uy, si babae may HIV yan kasi iba-iba ang
kinakasama.” May sakit na nga pinagtsitsismisan at sinisiraan pa.
o
Social
stigma and discrimination against people with HIV and AIDS is a social sin! Tignan
niyo yung katabi niyo. If he or she has AIDS, tatabihan niyo ba siya?
-
Huwag
ninyong kapootan sa inyong puso ang inyong kapatid o kapitbahay, huwag
maghiganti
o
Huwag
daw tayo magtanim ng galit sa kapwa, tanda ito ng pagmamahal natin sa kanila.
Eto
ang ilan sa mga halimbawa ng pagmamahal sa kapwa.
Sa
Matthew naman itinuturo kung paano natin ipagpapatuloy ang paglalakbay sa
Christian perfection. Mula sa pagmamahal sa kapwa ang paglalakbay natin bilang
Kristiyano ay magtuturo sa atin na mahalin din kahit ating mga kaaway. Sa kaharian
ng Diyos, hindi lang ang mga malapit sa buhay natin ang mahal natin. Pati ang
mga nananakit sa atin, tumutuligsa sa atin at naninira sa atin ay dapat mahalin
natin. Nagbigay uli ng halimbawa sa Mathew ngpagmamahal kahit sa ating mga
kaaway:
-
Ang
pagturn ng other cheek ay hindi para masaktan ka ng lalo kundi para mapahiya ang
nanakit sa iyo na gusto kang saktan
o
Ito
ay dahil kahit anong gawin niyang paninira at pananakit sa iyo ay hindi ka niya
kayang saktan dahil sa pagmamahal mo sa kanya. Ang tunay na pagmamahal sa kapwa
ay hindi nawawala kahit na ikaw ay masaktan man. Iba ito sa carino brutal o
yung sa violence against women and children.
o
Ito
ay parang si Annaliza, yung bidang babae sa teleserye sa hapon. Kahit ilang
beses siyang saktan at itakwil ng kanyang kapatid na si Arlene ay mahal pa rin
ni Annaliza si Arlene.
-
Ang
pagbigay mo sa iyong damit kapag hinubaran ka ay tanda ulit nga tunay na
pagmamahal dahil hindi ka mapapahiya bagkus sila ang mahihiya sa ginawa nila sa
iyo.
o
Ganito
ang kultura noong unang panahon. Ang pagmamahal mo sa kapwa ay tunay at ganap
na kahit laitin ka ay ang nanlalait ang mapapahiya sa kanyang ginagawa dahil
buo pa rin ang pag-ibig mo sa kapwa mo.
-
Na
kahit utusan ka na maglakad ng isang milya ay sasama ka pa ng isang higit pa
dahil hindi ang utos nila ang sinusundo mo bagkus ang pag-ibig mo sa kapwa ang
siyang nagtulak sa iyo na lumakad pa.
o
Tinanong
ko minsan ang isang missionary kung bakit siya tumutulong ipaalam ang HIV and
AIDSsa mga tao sa simbahan kahit na ang mga simbahan mismo ang nagtakwil at
nandiri sa kanya. Ika niya, hindi dahil sa sweldo kundi dahil mahal niya ang
mga taong tumutuligsa sa kanya at ayaw niyang patuloy silang gumawa ng
kasalanan sa panlalait sa kanya.
Ang tanong
ngayon, kelan natin sisimulan ang paglalakbay na ito ng Christian Perfection? When do we start our spiritual
journey and discipleship?
The
answer is simple. We start them early, as early as Kindergarten. We learn
about loving God and faithful servants in our formation as kindergarten
students. That is also the reason why I sent my kids to a UMC church. We sent
them to Joy Kiddy Garden because we believe in their vision. The JKGLC believes
every child is created in God’s image and treasure from the lord. It cultivates
every child’s uniqueness according to God’s mandates and blueprint to become
well-rounded and faithful servants. JKGLC aspires to be at the forefront of Christian
witness through education. We also want our kids to be well-rounded disciples and
learn from a Christian environment that provides developmentally appropriate learning experience.
That is another reason why I sent my kids to Joy Kiddy Garden.
Pero
garantiya ba na magiging mabuting Christian ang mga batang ito? Even if we
start them early, can we still fall out of the journey to Christian perfection?
Yes,
John Wesley taught that we can fall out of relationship with God. Kapag nagakakasala
tayo ay lumalayo tayo sa diyos at nasisira muli ang relasyon natin sa kanya at
ang paglalakbay natin sa Christian perfection ay naantala. Kapag hindi natin
minamahal ang kapwa natin at ang mga kaibigan natin ay mahirap tayong umusad sa
Chrsitian perfection. Saan pa papunta ang buhay Kristiyano natin kung hindi
tayo umuusad?
If
we can fall out of grace, can we go back into our journey? Puede pa ba tayong
bumalik sa paglalakbay patungong Chrsitian perfection? God’s prevenient grace
calls us to love God and accept God’s forgiveness. We can back slide but we can
still love God again and get back on track. That is the Good News my dear
brothers and sisters. Kahit ilang beses pa tayong matisod at magkamali ang
pag-ibig ng Diyos ay nananatili. We can still pursue Christian perfection even
after we have committed sin.
In
conclusion, nais kung sagutin ang tanong bakit maraming metodista ang walang
matandaang spiritual birthday?
Tayong
metodista ay makasalanan. Huwag na tayong pa- “as if” righteous. In our faith journey
we have fallen back countless times. But we can always return and ask God for
forgiveness. Everytime we ask God we renew our relationship and we renew our
spiritual journey and experience another spiritual rebirth. Puedeng marami tayong
spiritual birthday sa ating journey as many times as we fall out of
relationship with God. But the first birthday is always special and we always
hope that we never fall back.
Our
Christian values as a society is deteriorating because we have failed to teach Christian
perfection even to our children. Pakinggan natin ang utos ng
Panginoon, turuan natin an gating mga bata ng maaga at bumalik din tayo sa
ating paglalakbay sa Christian perfection. Makinig tayo sa utos ng Biblia: “Be perfect as your Father in heaven is perfect.”
No comments:
Post a Comment