Better Than
Yesterday (Adapted
from PROTIPS of Maloi Malibiran-Salumbides)
Kumusta ka
ngayon? Ang karaniwang sagot natin, “Mabuti naman!” Pero ang mas magandang
sagot diyan ay ganito, “Asenso kunti.” O, bago tumaas ang kilay mo at bago ka
umiling, patutunayan ko sa iyo na talagang mas mayaman ka ngayon kaysa kahapon.
Today, you are 24-hours better, you are several experiences wiser. Perhaps, you
are better in terms of new acquaintances and friends whom you’ve recently made.
Kung ikaw ay bukas para matuto, mas asenso ka ngayon sa kaalaman. Maaaring mas
asenso ka ngayon kaysa kahapon dahil susuweldo ka na at mababawasan na kahit
papaano ang utang mo. Hindi lang naman pera at ari-arian ang tanging yaman. You
are better today than yesterday. At paano mo pa higit na mapagyayaman ang iyong
buhay? Pag-usapan natin yan ngayon.
Kung hindi
lamang pera ang maituturing na yaman, ano pa ang kayamanang dapat nating
pinagsusumikapang makamtan? Remember the word RICH para madali mong maalala ang
tips ko sa iyo ngayon.
1. Relationship with God. Ito ang
tunay na yaman. Sa Mark 8:36 ay ganito ang nakasulat, “What good is it for
someone to gain the whole world, yet forfeit their soul?” Kahit na mapasa-atin
ang lahat ng yaman sa mundo, kung wala naman tayong tamang ugnayan sa Diyos,
bale wala ang lahat ng ating pagsisipag at pagsusumikap. The riches which the
world offers cannot satisfy our soul. Ito ang paalala sa atin sa Matthew
6:19-21, "Do not store up for yourselves treasures on earth, where moth
and rust destroy, and where thieves break in and steal. "But store up for
yourselves treasures in heaven, where neither moth nor rust destroys, and where
thieves do not break in or steal; for where your treasure is, there your heart
will be also.” Ikaw ba ay nagsusumikap din na mapaglamim ang ugnayan mo sa
Diyos?
2. Ideas and Insights. Ang taong
maraming ideya at kaalaman ay hindi mauubusan ng mapagkakakitaan. Enrich your
mind. Ugaliin natin ang magbasa, makinig, magmasid sa ating paligid. At huwag
lamang tayong tanggap ng tanggap sa lahat ng ibinibigay sa ating balita o
impormasyon. We should be critical and discerning thinkers.
3. Character. Iwasang i-kumpromiso
ang iyong integridad ng dahil lamang sa pera. Ang pera, pwede mong kitain. Ang
integridad kapag nasira, mahirap ng buuin. Ang sabi ni Zig Ziglar, “The
foundation stones for a balanced success are honesty, character, integrity,
faith, love and loyalty.” Huwag lamang trabaho at negosyo ang pagyamanin,
tiyakin nating ang ating character ay napagtitibay din natin.
4. Health. Makailang ulit na ba
nating narinig ang kasabihang, “Health is Wealth”. Ang kalusugan mo ay
kayamanang maituturing. Hindi natin ma-eenjoy ang yaman at ari-ariang ating
pinaghirapan kung wala tayong pisikal na lakas at palagi tayong may sakit. You
cannot create wealth if you are always sick and absent from your work and
business. Kung nais mong maging matagumpay, don’t just look after your
financial health. Make sure that you are also physically well.
Mga kayamanang
higit pa sa pera na iyong kikitain o sweldong iyong tatanggapin, your Relationship
with God, Ideas and insights, Character and Health.
Kumusta ka
ngayong araw na ito? Sana ang sagot mo ay, “asenso ng kunti!”
MAGING PAGPAPALA
TAYO SA ATING MGA PASYENTE.
No comments:
Post a Comment