Thursday, March 10, 2016

Conquer your Giants

Conquer your Giants (Adapted from PROTIPS of Maloi Malibiran-Salumbides)

Maalala niyo ba ng kwento ni David and Goliath? Paminsan, ang problema natin ay parang higanteng Goliath at tayo naman ay nanliliit na David. Kapag feeling overwhelmed ka sa dami ng kailangang gawin at tapusin, may isang military strategy na makatutulong sa iyo, divide and conquer. Divide your work into manageable tasks and one by one conquer them. Magugulat ka na lang at ang dambuhalang trabaho na akala mo ay di matatapos ay isa na lamang ala-ala dahil wala na siya, tapos na!
May tatlong tips akong gustong ipabaon sa iyo kung paano mo hahatiin at mapagtatagumpayan ang malalaking pagsubok na mayroon ka sa buhay at trabaho mo.

1) Attack your problem, one step at a time. Masaya sana kung lahat ng problema pwedeng tapusin sa isang kumpas ng kamay. Pero hindi, kadalasan ang kumplikadong pagsubok, napagtatagumpayan natin one step at a time, one day at a time. As you divide and conquer the challenges that you face at work, mag-ipon ka ng maraming pasensiya at samahan mo rin iyan ng nag-uumapaw na pag-asa. Ang sabi sa Matthew 6:34, "So do not worry about tomorrow; for tomorrow will care for itself. Each day has enough trouble of its own."

2) Dissect the problem into understandable facets. Minsan nalulula tayo sa laki ng problema kasi masyado masyado kang involved dito. Try to get the help of an outside observer. At sabay ninyong himayin at pag-aralan ang puno't dulo ng problema mo sa trabaho. Tiyak bago iyan naging problema may mga nakaligtaang gawin o kaya naman ay may pagkukulang hindi tinama at pinansin. If you dissect your problem from points A to Z, mas malalaman mo kung paano ito haharapin at hahanapan ng lunas. Parang any big problem na really overwhelming. Pero hindi naman ibig sabihin ay wala itong solusyon. Kung iisa-isahin ang dahilan ng paglala ng problema, mas mahahanapan ito ng integrated at kumprehensibong lunas.

3) Conquer your problem with God's help. Ang sabi nga sa Romans 8:35 at 37 ay ganito, "Who will separate us from the love of Christ? Will tribulation, or distress, or persecution, or famine... But in all these things we overwhelmingly conquer through Him who loved us." Walang problemang napakalaki na di kayang lutasin ng Diyos. Madalas, pinapayagan ng Diyos na dumaan tayo sa pagsubok sa trabaho natin, dahil tinuturuan Niya tayong magtiwala at umasa sa Kanya. Tulad ni David, huwag mong sarilinin ang iyong problema. Conquer your giant problem with God's help.
Attack your problem, one step at a time; dissect your problem into understandable facets and conquer your problem with God's help. Ang gahiganteng problema, kayang pagtagumpayan sa tulong ng Diyos.

MAGING PAGPAPALA TAYO SA ATING MGA PASYENTE.